why baka usagi? Blog Gifts Reviews Literature
Ang Trahedya
Tuesday, September 29, 2009 | 2:54 PM | with 0 rabbits | add more :3







Dumungaw sa bintana ng kanyang silid ang ngiti ng haring araw na tila bumabati sa kanya ng isang magandang umaga. Bumangon sya at dali-daling nagbihis. Huli na nang maalala nyang wala nga plang pasok. Bumalik sya sa pagkakahiga sa malambot nyang kama nang biglang tumunog ang kanyang cell phone. Tinatamad nyang kinuha iyon at nagulat sa laman ng message na natanggap..may trahedyang naganap sa kanilang barrio sa Leyte at pinakikiusapan sya ng kanyang ate na bumalik kaagad ditto sa lalong madaling panahon.

Parang nagising ang kanyang nahihimbing na diwa sa nabasa. Walang anu’ano’y bumilis ang tibok ng kanyang puso at nangulit at nakipaglaro sa kanya ang kanyang isip. Naalala nya ang kanyang amang tila nalipasan na ng panahaon sa kanyang bukirin na bumubuhay sa kanya ngayon. At ang kanyang in na bagama’t may katandaan na rin ay hindi pa rin nakakalimot magpasalamat sa mga biyayang natatanggap nila sa araw-araw. Paano na sila? Anong trahedya ang pumukol sa mahihina nilang mga binti at tuhod? Hindi. Kailangan nyang magmadali..luluwas sya ng puno ng pag-asang walang masamang nangyari sa kanyang pamilya…tama..walang dapat sayanging oras at panahon…
‘Pag dating nya rito ay tila nanibago sya..matagal-tagal na rin kasi syang nalayo sa pamilya..dahil na rin sa pag-aaral sa Maynila. Agad nyang tinungo ang makipot na daan patungo sa kanilang kubo sa bandang hilaga. Nang mapansin na sya’y paparating, biglang lumabas sa kubo ang kanyang ate na tubigan ang mga mata…namumugto at ballot na kapighatian..Niyakap sya nito..Tila nagugunita na nya ang nangyari…
“Si ama..at si ina..” umiiyak na sabi ng kanyang ate..Walang anu-ano’y tumulo ang mainit na patak ng kalungkutan sa kanyang hapis na mukha..Tinungo nya ang loob ng kubo at hindi inaasahan ang nakita…
Naroon ang kanyang ama at ina…masayang nag-uusap habang parehong nakaupo sa kani-kanilang tumba-tumba..Buong akala ni Alwin ay may kung ano nang nangyari sa kanilang mga magulang dahil na rin sa hitsura ng kanyang ateng sumalubong sa kanya..Ngunit wala naman pala..biglang napawi ang pangamba nito at dali-daling niyakap ang kanyang mga magulang.
“Ama..ina..patawarin nyo po ako..”samo nya..Ngayon nya lang napagtanto ang tunay na trahedyang naganap sa kanyang pamilya..isang trahedyang nagdulot ng kapanglawan sa mukha ng dalawang matandang pilit na ngumingiti sa kabila ng lahat..isang trahedyang sa isang iglap lamang ay naglaho sa kanyang pagbabalik..Ngayon nya llang naunawaan ang lahat…
“Pangako po..hindi ko na kayo iiwang muli..”
[04/04/07]





Labels: , ,

Back to the TOP ?

Some Reminders☆⌒(>。≪)
You're now walking into my territory. The rules are simple! No ripping and no spamming! And this is an OTAKU blog. If you don't like ANIME and MANGAfeel FREE to leave.

The Clover Searcher
I'm Ayu. nineteen years old. a proud to be Filipina. student of  University of the East-Caloocan, taking up Financial Management. I art, domo-kun, rilakkuma, literature, photography, Jpop, Jculture, anime, manga, cosplay and Asian dramas.

My Clover petals
audrey
chelsea
cominica
jw megan
konayachi
samadrita
selenium
shawty
mae
kristen
huamulan03
madeline
morla
naka
veronica

Lucky Button


Garden of Memories
A Quest in searching for the Truth: CODE GEASS R3


Twinkling Thanks
Layout designed by F-lying|heartsx3|yours truly
Colors taken from HTML Color Codes
Body and date background taken from FivePointsApart
Main banner from
Others